Advertisement

Heto Ba Ang Reaction Ni Joshua Sa Viral Photo Nina Julia at Gerald?

Heto Ba Ang Reaction Ni Joshua Sa Viral Photo Nina Julia at Gerald? Hi mga Darlings! Alam niyo na ba ang trending chika ngayon? Instagram stories ng actor na si Joshua Garcia matapos magviral ng litrato ng dating girlfriend na si Julia Barretto at actor na si Gerald Anderson pinag-usapan.

Kung hindi niyo pa alam mga Darlings, ay trending at pinagusapan kahapon July 21, ang mga kapamilya stars na sina Gerald at Julia, pati na rin ang kanilang mga respective girlfriend at boyfriend na sina Bea Alonzo at Joshua Garcia.

Ito ay matapos mag-viral ng litrato nina Gerald at Julia na magkasama sa isang event. Sa nasabing picture na ini-upload sa Instagram ng isang account user na may pangalang Kath Cabrera ay makikita si Gerald na katabi ang isang babae na ayon sa nag-upload ay si Julia daw.


Nakita di umano ni Kath sina Gerald at Julia sa isang bar sa Bonifacio Global City. Naglakip din ng mahabang caption si Kath sa nasabing picture.

Matapos magviral ng nasabing picture ay nag-upload ng isang cryptic message si Joshua sa kanyang IG stories.

“I’m mute,” ang nakalagay dito.

Marami tuloy ang curious kung ito ba ang reaction ng batang actor sa litrato nina Gerald at Julia.

Anyway, mga Darlings, as of this posting ay deleted na sa IG stories ni Joshua ang nasabing post, ito ay ayon na rin sa fashionpulis.com

Big deal ang nasabing litrato dahil na-li-link sina Gerald at Julia sa isa’t isa matapos nilang magsama sa pelikulang Between Maybes. Sa isang interview ay itinaggi ni Julia na si Gerald ang dahilan kung bakit napagpasyahan nila ng dating boyfriend na si Joshua na maging magkaibigan na lang muna.

"No, absolutely not,” ang pahayag nito.

Si Joshua naman ay hindi naniniwala na magagawa ito ni Julia at Gerald sa kanya.

"Hindi naman totoo yun. Hindi naman magagawa ni Gerald yun. Parang kuya ko na si Gerald,” ang pahayag niya.

Bago natin husgahan sina Gerald at Julia, ang nasabing litrato ay hindi isang private date, kuha ito sa isang event para sa birthday ng actor na si Rayver Cruz. Kasama ng dalawa ang iba pang mga artista tulad nina Janine Gutierrez, Enchong Dee, Dianne Medina at ang kapatid ni Julia na si Dani Barretto.


Well, anyway mga Darlings, kung iyon nga ang reaksyon ni Joshua sa issue ay nakaka-speechless naman talaga na makita mo ang iyong ex-girlfriend kasama ang lalaking na-li-link sa kanya. Pero huwag muna tayong agad mag-jump into conclusion dahil marami naman ang kasama nina Gerald at Julia na mga kaibigan nila sa nasabing lugar, malay ba nating nagkita lang sila doon, hindi ba?

Joshua Garcia,Gerald Anderson,Julia Barretto,

Post a Comment

0 Comments